Martinez dudurugin ni Melligen

NAGPAHAYAG si Pinoy prospect Mark Jason Melligen sa kanyang non-title match kay Mexican Gabriel Martinez.

Ang laban ay gaganapin sa Mandalay Bay Resort & Casino, Las Vegas, Nevada, United States sa Pebrero 19 kasabay ng laban ni Nonito Donaire kay Fernando Montiel.

Nangako naman si Melligen na gagawin niya ang lahat upang manalo at maitaas ang bandila ng bansa.

Si Martinez ay natalo noong April 18, 2008 sa welterweight kay Mexican Saul Alvarez.

Nakalaban na rin ito sa isa sa mga mababagsik na boksingero na si Jesus Soto Karass noong May 29, 2010.

Subalit ang sagupaang iyon ay nauwi sa no contest matapos maganap ang unintentional headbutt. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply