Maruming restaurant sa Maynila ipasasara

NAGBABALA si Manila Mayor Alfredo Lim sa mga may ari ng restaurant na kung hindi mamimintina ang kalinisan ay agad niyang ipag-uutos ang closure order sa kanilang establisimiyento.

Ang nasabing kautusan ng alkalde ay matapos madiskubre at ipasara ang isang “refreshment parlor” sa Quiapo, Manila.

Nagbabala rin ang alkalde na marami sa establisimiyento na bukod sa marumi ang paligid ay wala pang health permit.

Dahil dito, inatasan ni Mayor Lim ang kanyang chief of staff at media bureau chief na si  Ric de Guzman na tiyaking maipasasara ang Mr. Fo’s Refreshment na nasa 569 Quezon Boulevard sa Quiapo, na  pag-aari ng isang Jefferson Tim.

Nabatid sa report ni sanitary inspector Alma Flor Paloma, nadiskubre umano  niya na barado ang comfort room at drainage ng establisimiyento at pinamamahayan ng ipis.

Gayunman , agad namang nagsagawa ng inspeksyon ang grupo ni de Guzman, batay sa na rin sa reklamo ng ilang concerned citizen, matapos magsumbong sa tanggapan ng alkalde laban sa kondisyon ng naturang establisimiyento.

Nanawagan din ang alkalde sa publiko na kaagad ipagbigay alam sa kanyang tanggapan kung may makikitang maruruming kainan. Rene Crisostomo

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply