Mas matured na SK members iminungkahi

SA HALIP na 18 ay dapat 25 na ang age limit ng isang miyembro ng Sangguniang Kabataan upang maging responsable sa kanilang tungkulin.

Sa kanyang privilege speech, iginiit ni San Juan Rep. JV Ejercito na ang  kasalukuyang batas sa SK ay kinakailangang  bigyang mekanismo upang magkaroon ng  mas matibay na proteksyon ang mga  kabataan mula sa korapsiyon, manipulasyon at iba pang pamamaraan ng impluwensya ng mga nakatatandang  pulitiko.

“The 18-25 age requirement is the age wherein a person has reached a certain level of maturity and capability in taking on responsibilities,” ani Ejercito.

Sa kasalukuyang  batas,  ang isang SK member ay  kinakailangang nagkakaedad  sa pagitan ng 15 hanggang  18.

Sa murang  edad  na pagsabak aniya sa larangan ng pulitika ay kinakailangan ng mas matatag  na paninindigan upang hindi ito  maimpluwensyahan  ng anumang maruming  parte ng pulitika  sa bansa.

Marami na rin umano  ang mga magulang ng pulitiko ang gumagamit sa kanilang mga anak para lamang sa  kanilang pansariling interes.

Sa katunayan aniya  ang mga ganung edad ay hindi pa matured  sa pagsabak sa pulitika kundi dapat ay lalong  magkaroon ng pokus sa kanilang pag-aaral. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply