Mass evac ng OFWs sa Libya tuloy tuloy na

UMAABOT na sa mahigit 100 Pinoy ang dumating sa bansa mula sa  Libya.

Dakong alas-4 ng hapon ay dumating  26 na OFWs kasunod ng unang batch  na kinabibilangan ng 20 Pinoy  kahapon ng umaga,   sinundan ng  marami pang Pinoy.

Inaasahang madaragdagan pa ang  mag-uuwian mula sa magulong bansa dahil sa puspusang pagpapauwi ng pamahalaan.

Ikinakasa na rin ang C-130 ng Philippine Air Force para sumundo sa mga  OFWs na apektado sa kaguluhan  sa Libya.

Inaasahang lalala pa ang kaguluhan  makaraang mag-anunsiyo kahapon si Libyan Leader Moamma Gadhafi na aarmasan nito ang mahigit sanlibong supporters at nanindigan na hindi bababa dahil mahal pa rin umano niya ang kanyang mamamayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply