Mass prayer,rally ilulunsad para sa OFWs sa Libya

MAGSASAGAWA Lunes ng hapon ng kilos protesta at mass prayer ang grupo ng Migrante at pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na naiipit ngayon sa  “civil war” na nagaganap ngayon sa bansang Libya.

Ayon kay Gina Esguerra,Secretary General ng Migrante,  sa ginanap na lingguhang forum sa Balitaan sa Tinapayan  gaganapin ang kilos protesta sa may Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila dakong alas 4:00 ng hapon.

Kasabay nito,nanawagan din ang grupo sa pamahalaang Aquino  na gawin ang lahat ng kanilang makakaya at ang mabilisang aksiyon sa paglilikas sa may 32,000 OFWs na nasa Libya na naiipit sa nagaganap na kaguluhan bago pa man mahuli ang lahat.

Nabatid na mahigit 100 OFWs pa lamang ang nakakabalik sa bansa,matapos na magsimula ang tensiyon sa Libya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply