Mass repatriation sa mga OFW sa Middle East hiniling ng CBCP

UMAPELA sa pamahalaan ang maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na i-mass repatriation ang mga overseas Filipino worker (OFW) na naiipit sa kaguluhan sa Middle East.

Ayon kay Caloocan Bishop Deogracias Iñiguez, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs (ECPA), obligasyon ng pamahalaan na tiyakin ang seguridad ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibayong dagat.

Iginiit din ni Iñiguez na hangga’t hindi pa lumalala ang sitwasyon sa Gitnang Silangan ay pauwiin kaagad ng Pilipinas ang OFWs doon.

“Kung talagang safe o ang kaligtasan nila ay nalalagay na sa panganib ay dapat kumilos na dito ang gobyerno.  Obligasyon natin, lalo na ng pamahalaan na bigyan ng proteksyon ang ating mga OFW lalo pa’t sila ang bumubuhay sa ekonomiya ng bansa,”  ayon kay Iniguez sa panayam ng Radyo Veritas.

Aniya, hangga’t hindi pa lumalala ang sitwasyon ay dapat nang kumilos upang wala nang madisgrasya pa. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply