Kung Hei Fat Choi! — Masuwerteng partner, kulay at iba pa sa Year of The Rabbit

NGAYON ang eksaktong araw ng Year of the Rabbit kasabay ng pagpapalit ng taon sa mga Chinese.

Ang Chinese New Year o mas kilala sa Chinese Lunar New Year ang pinakaimportanteng Chinese traditional holidays.

Sa kabila ng taglamig kapag ipinagdiriwang ang okasyong ito, tinatawag pa rin itong “Spring Festival,” o may literal na ibig sabihin na Pinyin.

Ang Chinese New Year ang pinakamahaba at pinakamagarbong pagdiriwang sa Chinese Lunisola Calendar.

Bilang bahagi ng selebrasyn ng Chinese New Year ang magarbong paghahanda magmula sa regalo, dekorasyon, pagkain at maging sa pananamit.

Tradisyon din ng mga Chinese na maglinis ng buong bahay sa paniniwalang sa ganitong paraan ay maaakit nila ang suwerte.

Ang mga bintana at pinto ay kailangang may dekorasyon na kulay pula para sa sa masaya, maalwan at mahabang pagsasama ng isang pamilya.

Sa gabi ng Chinese New Year, kailangang present sa hapag kainan ang mga pagkaing luto sa baboy, itik, manok at matatamis at malalagkit.

Matapos ang magarbong salo-salo ay tatapusin ng pagsisindi ng maiilaw na paputok at pamimigay ng ampao (red envelope) na may lamang pera bilang pampasuwerte.

Itinuturing din ang Chinese New Year na tamang panahon para makipagbati sa mga kaaway, pagpapatawad at pagdarasal para sa masayang buhay ng kapwa.

2011 is Year of the Rabbit

Eksaktong Pebrero 3, 2011 papatak ang Year of the Rabbit.

At marami sa Chinese maging sa mga Pinoy ang nais na malaman kung ano ang kanilang magiging kalaparan ayon na rin sa prediksyon at mga masusuwerteng bagay, kulay at iba pa.

Ayon sa Chinese Five Element Astrology Calendar, ang 2011 ay magiging masuwerte sa gabay ng mga kulay na puti, dilaw at gold.

At dahil ang year of the Rabbit ay bumagsak sa elementong Wood, maituturing na ang 2011 ay ” strong Wood year.”

Ang Metal sa 2011 ay babae at ito ay may koneksyon sa alahas o may pahiwatig na “romantic year”para sa ilan.

Gayunpaman, ang Metal at Wood ay magkabanggang elemento; ibig sabihin magkaroon sila ng masigalot na relasyon kung magsasama, lalo at hindi komportable ang Rabbit sa pagsusuot ng alahas.

At dahil ang Rabbit ay mabilis na nakakabuo ng henerasyon, ang Rabbit ay maituturing din na romantic star para sa mga ipinanganak sa ilalim ng Horse, Tiger at Dog.

Ang mga nabanggit ay may tsansang makakilala ng bagong mamahalin, lalo na sa kapwa nila Rabbit.

Ang Rat naman ay may kakayahang agad na magparami, kaya kapag ang Rat at Rabbit ay nagkaroon ng relasyon, minsan ay nasasaktan nila ang isa’t isa. Kumbaga, ang relasyong ito ang maituturing na love and hate na pagsasama.

Kung ang Rabbit ay mahiyain pero friendly na animal, may isang Zodiac animal naman siyang hindi makakasundo —- ang mga taong ipinanganak sa ilalin ng Year of the Rooster.

Kaya ipinapayong umiwas sa mga taong Rooster dahil tiyak na sakit ng ulo lang ang mararanasan.

Ang Tiger, Rabbit at Dragon naman ay umiikot sa Wood.

Ang Tiger 2010 ay umpisa ng taon ng year of the Wood cycle. Kaya ang mga taong ipjnanganak sa ilalim ng Tiger, Rabbit o Dragon ay makararanas din ng magandang kapalaran.

Tandaan na ang Lucky Element ay malaking factor para madetermina ang kapalaran ng sinuman ngayong 2011.

Kung ang inyong Lucky Element ay Metal o Wood, walang duda, ang 2011 ay magdadala sa inyo ng suwerte.

Rabbit Characteristics

Ang Rabbit ang itinuturing na pinakamasuwerteng sign sa Chinese Zodiac at ito ay nagtatagal.

Ang Rabbit din ay sumisimbolo sa pagiging maawain, elegante, at pagiging malapit sa kahit sino man.

Ipinanganak silang “negotiators” at masuwerte sa anomang papasuking negosyon maging sa monetary transactions.

Relationships

Ang mga ipinanganak sa Year of the Sheep ang best match para sa mga Rabbit. Ang Dog at Pig ang pumapangalawa habang ang Rat, Dragon, Monkey, Ox, at Snake ay maaari ring makatsamba ng “good relationships.”

Ang dapat na iwasan ng mga Rabbit ay mga ipinanganak sa Year of the Rooster, Tiger at Horse. Gwenn Salamida/Photo by Crismon Heramis

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply