Matapos si Jewel Mische, Sarah sunod na gustong patayin ng Kimeralds

THE height ng fans nina Gerald Anderson at Kim Chiu!

After Jewel Mische, si Sarah Geronimo naman ang gusto nilang patayin . Siya naman ang pinag-iinitan nila  sa sunud-sunod na  ipinapadalang email. Kung anu-anong masasakit na salita ang ipinupukol nila sa Pop Princess.

Hindi nila matanggap na matutuloy na ang movie  nina Sarah at Gerald. May pagbabanta pa sila na iboboykot ito.

Tumigil na ang mga fans na ito. Iritasyon, ha! Kumita sana ang huling movie nina Gerald at Kim Chiu kung nanood sila, kaso ‘yun ang pinakamahina. Puro dakdak lang naman sila, huh!

FAITH CUNETA, MAY DALANG SUWERTE  PAG SIYA ANG KUMANTA NG THEME SONG

May kaakibat na suwerte ang isang teleserye pag ang Koreanovela Diva na si Faith Cuneta ang  kumakanta ng theme song gaya ng  ‘Stairway To Heaven,’ ‘Endless Love,’ ‘ Love Letters,’ ‘ Jewel In  The Palace,’ ‘Hwang Ji Ni’ at ngayon  ay sa ‘Babaeng Hampaslupa”  ng TV 5 para sa kantang “Ikaw Lang Ang Mamahalin”.dahil matataas talaga ang ratings.

Hindi mapapasubalian na pumapalo din ngayon  sa ratings ang ‘Babaeng Hampaslupa”.

Anyway, may bagong album si Faith entitled “A Twist of Faith’ under  PolyEast Records.natagalan din bago nasundan ulit ang album niya  dahil naging busy siya nu’ng election at out of the country.

OPM naman ang laman ng  album ni Faith na  kung saan ay bonus track ang  themesong ng  “Babaeng  Hampaslupa”.

“’Yun kasi ang napagkasunduan ng management at ng PolyEast. At saka bagay talaga sa akin ang mga Tagalog,” pahayag ni Faith.

Ang mga kantang nilalaman ng album ay “Paniwalaan Mo,” “Kung Maibabalik Ko Lang,” “Bakit Labis Kitang Mahal,”

“Dito sa Puso Ko,” “Sa Isip Ko,” “Damdamin Ko Sa ‘Yo,” “Gulong ng Palad,” “Iyong Iyo (Ang Puso Ko),” “ Please Don’t Go Away,” “ Hindi Na , Ayoko Na,” “Paano Kaya,” “Mula  Noon Hanggang Ngayon”.

Bongga ang album ni Faith at masarap pakinggan dahil sa lamig ng boses niya.

Talbog!

TV HOST, DAPAT TSUGIHIN SA KAGAGAHAN

Dapat tsinutsugi ng pamunuan  ng isang talk show ang kagagahan ng kanilang segment host. Hindi ba nila alam ito na nakakaapekto sa kredibilidad ng show kaya dapat ay makatotohanan ang presentation?

Nakatutuwa nga ang segment niya pero the height naman yung ipi-feature  niya ‘yung sasakyan ng isang  female dancer pero hindi pala  sa kanya ‘yun. Nu’ng time na’yun ay wala ang car dahil inutusan ang driver.

Sa pagmamadali diumano ng host at ng staff ng talk show, ibang sasakyan na lang ang kiyeme-kiyemeng  ipinakita na pagmamay-ari diumano ng female dancer kahit hindi naman sa kanya.

Ang the height, pinalitaw pa ng segment host na may ‘tsismis’ ang panty ng female dancer na kinuha sa compartment ng sasakyan.

Buti na lang hindi pumalag ang female dancer at na-offend na pati panty ay  sinasali sa kalokohan ng segment TV host. Pasalamat din siya na hindi niya ibinuking na hindi naman niya kotse ‘yun at hindi niya panty ‘yun.

Dapat talagang sinusunog ang picture niya pag ganyan siya. Me ganun? Roldan Castro

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply