Mavs na-upset ang Celtics

NAGPAKITA ng bangis si Jason Kidd nang kumana ng 3-pointer may 2.5 seconds ang nalalabi na naglagay sa Dallas Mavericks sa tuktok.

Dinurog nila ang Boston Celtics sa pamamagitan ng iskor na 101-97 kaya nadale niya ang seventh straight win habang ang Cleveland Cavaliers ay nalugmok sa 23rd straight na talo na pumantay sa single-season record ng NBA.

Tinusta naman ng Miami Heat ang Charlotte Bobcats 109-97 habang lumipad ang Atlanta Hawks sa tuktok ng Los Angeles Clippers, 101-100.

Si Al Horford ay nabunggo pa si Blake Griffin bago nila nasungkit ang panalo.

Ayon kay Hawks coach Larry Drew, kahit na bumagsak sa semento ang kanyang atleta ay alam niyang makakabangon ito.

Nang maharang kasi ito ni Griffin ay lumagpak ito at ilang segundo lang ay bumangon at ipinagpatuloy ang paglalaro.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply