Maxene Magalona ‘di feel mahalikan si Luis Alandy

MATAPOS ang “Trudis Liit” , nagbabalik si Maxene Magalona  sa afternoon drama, ang “My Lover, My Wife”.

Kuwento sa amin ni  Maxx, isa siyang battered wife dito, bilang Vivian, asawa ni Lawrence (Luis Alandy).

Sa aming chikahan kay Maxx,  ipinakita niya sa amin ang kanyang mga pasa sa binti at braso.

Dahil sa struggle niya na ayaw magpahalik kay Luis sa naturang eksena naibagsak niya ang kanyang katawan sa gilid ng kama at hanggang ngayon hindi pa naka-score ng halik si Luis. Pero kay Marco Alcaraz marami nang beses. Sweet kisser daw si Marco.

Nagtapos si Maxene sa Ateneo de Manila University noong isang taon  with bachelor’s degree in Social Sciences.

Mahilig siya sa mga bata kaya itong kurso ang kinuha niya.

Someday gusto niyang  magpapatayo ng pre-school.

Pagkatapos ng kanyang pangalawang bagong kotse, pinag-iipunan na ni Maxene ang kanyang pre-school. Mayroon na rin siyang biniling condo unit along Katipunan Avenue, near Ateneo. Joe Cezar

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply