May huwes/prosecutor-carjacker konek kaya?

THE REVELATION that some PNP top brass have long been playing ‘Don Vito Corleone’ and/or protector/coddler role/s to members of carjack syndicates is no big deal, really.

Such “news” have been circulating the buzz like a broken record.

Government authorities  or those in charge with crime containment and peace enforcement, more specifically just don’t care/give a damn.

Kakutsaba nga, eh, mga Bok!

Kaya itong naglalabasang balita tungkol kina Dir. Roberto Rosales at P/Supt. Napoleon Cauyan  ay LUMA na. Lumang arte na rin yang todo-DENY ng  katulad nila sa krimeng ito.

Meron lang tayong kon-ting reserbasyon, ika nga, sa pagkakasangkot nitong si Dir. Rosales (pinuno ng Directorate for Integrated Police Operations of Northern Luzon).

Marami din tayong espiya  ‘moles’, ika nga, sa Kampo Crame, at marami sa kanila ang may almost ‘impeccable’  impression sa mamang ito.

Di bale na lang daw yung Cauyan (dating hepe ng na-buwag na Traffic Management Group ng Task Force Limbas ng PNP), at apaw-apaw daw ang bali-balita tungkol sa konek nito sa mga tiwali sa Land Transportation Office (LTO).

Kaya nga raw na-ambush na.

Well, to clear their respective names, Rosales and Cauyan really have to submit to investigation.

Any type of investigation, and by any agency.

They should even clamor for it – the sooner, the better  to spare their respective  families  from  the  stigma of infamy, shame and scandal.

Let’s leave the fate of these men that way for the time being.

What should bring shivers down many a spine is the persistent talk – albeit largely unverified/unvalidated –  that even  judges and prosecutors could be in cahoots with carjackers.

Madame BJB, a jeweler and former client of mine, disclosed to me resently her own harrowing experience with carjackers in 2006.  Kinumbida umano siya ng kaibigan niyang lady judge sa Metro Manila na samahan ang huli na dumalo sa isang blowout party sa Quezon City. Kotse si-yempre ni BJB ang ginamit nila: isang two-door BMW sports car na kabibili lang ni BJB sa hala-gang P2.4M ‘di pa nag-iisang bu-wan bago ang insidente.

Naghinala si BJB sa kilos ng ‘friend judge’ niya dahil maaga umanong natapos ang party. Ngunit ayaw pang magpahatid ni judge. At nang nagpahatid na ito, mga l2 midnight na ng gabi, ay nagyaya pa munang magmerienda sa isang sikat na food outlet along the way, habang ang dami  namang nakain si Your Honor sa party.

Eventually, hinatid na ni BJB si Judge sa bahay ng huli na  nasa likod lang ng Francisco Gold Condominium Bldg. sa EDSA cor. Mapagmahal St., na kung saan, nandoon ang central office ng DILG (si Mr. Ronnie Puno noon ang kalihim ng ahensiyang ito).

Doon na-flag down si BJB at Your Honor at sapilitang pinababa. Natangay ng mga kriminal ang sasakyan, pati na ang ilang jewelry at tsekeng nagkakahalaga lahat-lahat ng mahigit sa P800,000.00.

Ni-report ng biktima ang insidente sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya, at hindi na nga siya sinamahan ng huwes. Walang nangyari sa sumunod na imbestigasyon. Buti na lang at naka-recover si BJB, kahit papano, sa insurance niya.

Sino nga ba naman ang hindi maghihinala na kasabwat sa carjacking na yon si Hon. Lady Judge! Ganunpaman, mga Bok, lubhang nakababahala na kapag totoong marami na rin sa ating mga mahistrado at prosecutor ang kakutsaba/nasa likod ng mga carjack syndicate na ito.

Kaya, watch out po, emerging ANTI-CRIME CZAR, Kal. Jesse Robredo ng DILG. You have some real good problem in your hand, here.

The Rosales-Cauyan reported caper (which media ascribed to you as source) has to be seriously looked into/investigated. This might just be the tip of the iceberg, for all we know. Walang matatanaw na pangmatagalang solusyon ang carjack activities sa buong bansa kapag hindi matutukoy at agarang mapuksa ang lahat ng mga nasa likod nito, na posible ngang kabilang na ang ilan sa ating mga Your Honor at Piskal/Prosecutor. Alex ‘Rapido’ Almario

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply