May pasaporte o wala, OFWs sa Libya ililikas

TINIYAK ng Department of Foreign Affairs (DFA) na makakauwi ang lahat ng Pilipino na naiipit sa kaguluhan sa Libya may pasaporte man sila o wala.

Ito ay ipinahayag kasabay nang paglipad sa Libya ng Task Force na binuo ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang palikasin ang overseas Filipino workers (OFWs) na nagtatrabaho sa naturang bansa.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, naglaan na sila ng P25 million fund para sa repatriation ng mga OFWs at dinagdagan pa ng P75 milyon.

Pamumunuan ni Labor Attache to Libya Nasser Mustafa, ang Task Force Libya.

Tiniyak ng DFA na makauuwi ang lahat ng Pilipino na naiipit sa kaguluhan sa Libya.

Ayon kay DFA Spokesman Ed Malaya, may pasaporte man o wala ay handa nilang tulungan ang mga kababayan na makauwi sa Pilipinas.

Titiyakin din ng DFA na lahat ng mga Pinoy na gustong magpasailalim sa voluntary repatriation ay mabibigyan ng pagkakataong makauwi sa bansa.

Sinabi naman ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Carmelita Dimzon na ini-report sa kanya ng welfare officer at labor attache sa Libya na may mga (OFW) na nagpalista sa Voluntary Repatriation Program ng pamahalaan.

Ipinaliwanag naman ni Dimzon na kailangan pang magrehistro ang mga manggagawang Pinoy dahil nasa alert level 3 pa lamang ang sitwasyon sa Libya kaya voluntary evacuation pa lamang ang ipinatutupad at hindi pa mass evacuation. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply