May putok na driver kinalampag

MAHIGPIT na kinalampag ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga tsuper ng pampublikong sasakyan na may “body odor” at nanggigitata ang kasuotan kasabay ng pakiusap na sumunod sila sa batas-trapiko.

Ayon kay MMDA General Manager Tina Velasco, kailangang magkaroon ng sariling disiplina sa kanilang personal na kalinisan ang mga nanggigitatang tsuper.

Sinabi ni Velasco na madalas niyang subukan na sumakay sa mga pampublikong sasakyan upang personal na maranasan at masaksihan ang estilo at pamamaraan ng pagmamaneho ng mga tsuper at pagsabihan o pakiusapan ang mga ito kapag lumalabag sa mga umiiral na batas-trapiko.

Hindi aniya masisisi ang ilang mga tsuper kung karamihan ay nanggigitata na ang mga kasuotan dahil sa maghapong pagmamaneho bagama’t pinaaalalahanan niya ang ilan sa kanyang mga nakakausap na pangalagaan din ang kanilang kalinisan, hindi lang para sa kapakanan ng mga pasahero kundi sa kanila ring pansariling kalusugan.

Magugunita na naging mahigpit ang MMDA sa panahon ni dating Chairman Bayani Fernando laban sa mga driver ng pampublikong sasakyan na may body odor at nanggigitata ang kasuotan bilang bahagi ng kanyang inilunsad na programang Metro Gwapo. Amor Virata/Johnny Arasga

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply