May sakit na OFW sa Riyadh, namatay

PATAY ang isang overseas Filipino worker (OFW) habang naglalakad sa kalsada sa Riyadh Saudi Arabia.

Ayon sa mga saksi nakita ang OFW na biglang napa-upo at biglang sumuka ng dugo malapit sa isang electronic shop sa Batha, Riyadh.

Agad namang rumesponde ang medical team subalit binawian na ng buhay ang OFW.

Nakilala lamang sa pangalang “Cris” ang biktima ayon kay Mike Garlan-Chapter Secretary General ng Migrante sa Saudi.

Tubercolosis ang sinasabing sanhi ng pagkamatay ng biktima.

Samantala, nananawagan ngayon ang Migrante sa mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Saudi na magpadala ng medical team na sisiyasat sa naturang insidente. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply