Mayaman sa ideya si Gen.Sammy Pagdilao Jr.

ANG isang institusyon – pribado man o pampubliko – ay parang tao na kung hindi maaalagaan ay walang maaantay na positibong pagbabago sa anyo.

Katulad din yan ng  isang barangay, bayan, lungsod, probinsya o bansa na kapag walang malasakit ang mga namumuno ay wala itong patutunguhan.

Ang kakulangan, marahil,  ng malasakit at pag-aaruga  ng mga lider  natin ang dahilan kaya ang Pinas ay hindi marating ang rurok ng tagumpay.

Dapat sa mga lider ay magpayaman ng isipan – ‘di ng kanilang mga bulsa – kundi sa mga bagay na magbibigay-tingkad sa pinamumunuang mga institusyon.

Sa ngayon, kailangan  natin ang mga pinunong may malasakit at mayayamang ideya na lililok ng  positibong gabay tungo sa maaliwalas na bukas.

Maraming Pinoy leader na may angking ganitong kambal na ugali, subali’t ‘di natin nararamdaman. Kung bakit? Yan ang problema sa bansa natin.

Kumbaga, kulang tayo sa pagpupursige, kaya  milya-milya ang layo ng katabi nating mga bansa na nagpupursige para maabot ang tagumpay.

Maraming institution leader ang may itinatagong baul ng magagandang ideya na kung mailalabas lamang nila’y magkakaroon ito ng kapakinabangan.

Katulad ng mga ibinabahaging ideya sa kapulisan ni C/Supt. Samuel ‘Sammy’ Pagdilao, Jr.,  director ng PNP Region 4-A.

Bilang police reporter at kolumnista na paboritong isulat ang kaganapan sa pulisya,  marami tayong nasusubaybayang ideya ni Gen. Pagdilao.

Sa dami, kulang ang espasyo natin kaya ang babanggitin ko na lamang ay ang mga bagong ideya  sa kanyang bagong assignment.

Ito’y ang pakikipag-ugnayan ng heneral sa mga  pribadong security agency para magamit ang mga guwardiya sa paglaban sa krimen.

Maganda  ang ideya ni Gen. Pagdilao, dahil sa dami ng guard na sumusuporta sa kanyang bagong programa, siguradong magla-lie low ang mga kriminal.

May ‘Padyakan’ din na ang layunin ay magsisilbing ehersisyo ng mga pulis at  sibilyan at watchdog na rin sa mga nangyayaring krimen. Magiging partner ng mga pulis ang mga sibilyan.

Malayo ang mararating ni Heneral Pagdilao Jr.-Bong Padua

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply