Mayol sparmate ni Julaton

HINDI umano maitago ni 3-time Women’s Boxing World Champion Ana ‘The Hurricane’ Julaton ang kaba kaugnay ng laban niya kay veteran opponent Franchesca Alcanter.

Ang 10 round fight ay para sa WBO female super bantamweight crown ni Julaton at sasabog ito sa Craneway Pavillion sa Point Richmond sa Bay Area sa February 26.

Kagagaling lang ni Julaton sa Pilipinas para sa promosyon ng kanyang laban at agad siyang sumalang sa sparring session kasama si dating light flyweight World Champion Rodel Mayol.

Ayon kay advisor Angelo Reyes, perpekto ang height ni Mayol na 5’4 dahil kasintangkad nito si Alcanter. Gilbert Perdez

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply