Mayor Evardone inambus, police officer patay, 3 parak sugatan

PATAY ang isang police officer habang sugatan ang tatlong iba pa na kagawad ng PNP na nagsisilbing escort sa convoy ni Samar Mayor Rolando Evardone nang ambusin ng hinhinalang miyembro ng New Peoples Army sa Arteche Eastern Samar, Sabado, Pebrero 26.

Ayon sa ulat ni PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz, dead on the spot si P/Insp. Al Lianza Tantiado, habang sugatan naman ang  tatlong hindi pa kinilalang mga police non commissioned officers at isang sibilyan motorist na nahagip ng punglo

Ayon kay Cruz, naganap ang pananamabang ng isang malaking pangkat ng mga komunistang NPA na pawang armado ng mtataas na kalibreng baril dakong 11:20 ng umaga sa Sitio Subok, Barangay Tangbo, Arteche, nasabing lalawigan.

Binabagtas umano ng convoy ni Mayor Evardone ng Arteche  ang kahabaan ng national road nang biglang umalingawngaw ang sunod sunod na putok at agad na napigilan ang puwersa ng mga police escort ng firepower ng mga rebelde.

Dahilan upang matangay ng pangkat ng mga rebelde ang tatlong mataas na kalibreng baril ng mga police escort.

Nakaligtas sa nasabing ambush si Evardone. Verlin Ruiz

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply