Mayweather nagparamdam kay Pacman

NAGPARAMDAM si former pound for pound king Floyd Mayweather Jr. na gusto nitong labanan si 8 division world champion Manny “Pacman” Pacquiao.

Sinabi ni undefeated boxer Mayweather sa kanyang tweeter account na “I got one more country to conquer” na kahit hindi niya pangalanan ay halatang si Pacman ang kanyang pinapasaringan.

Matagal ng inaasam ng mga fans na matuloy ang salpukang Mayweather at Pacman subalit nagiging mailap ang kano at laging gumagawa ng lusot upang hindi matuloy ang inaabatang salpukan.

Ayon naman kay Pacman, handa niyang labanan si Mayweather kahit anong oras na gustuhin nito.

“Kahit anong oras magpasabi lang siya at lalabanan ko siya,” ani Pacman sa press tour ng kanilang laban ni 5-time world champion Sugar Shane Mosley.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply