MBL first basketball conference sasabog na

ISA na namang maaksiyon at kakapananabik  na  taon ang matutunghayan sa pagbubukas ng Millenium Basketball League (MBL) sa Lyceum Gym sa Intramuros sa Sabado, Pebrero 26.

Tatagal ng tatlong buwan ang torneo na tatampukan ng National Interclub Champion Wang’s Ball Club na tangan ni Pablo Lucas at ng manager na si Macky Villarta, three-time Philippine Collegiate Champions League (PCCL) Sweet 16 qualifier Lyceum of the Philippines at Manuel L. Quezon University ng Colleges and University Sports Association.

Ang iba pang teams na inaasahang lalaro ay ang Kobe Bihon ni coach Junnel Mendiola, Rizal Business Club ni coach Ferdie Ona, Star Group ni coach Rene Recto, University of Santo Tomas ni coach Pido Jarencio, Our Lady of Fatima University ni coach Rene Bajar, Rizal Technological University ni coach Beaujing Acot, St. Clare Colleges ni coach Mark Herrera, EJM Pawnshop ni coach Andy de Guzman at PJS Law Firm ni coach Monsh Gavierres. RT

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply