M’cañang walang kinalaman sa pag-abswelto ng CA kay Lacson

HINDI ginapang ng Malakanyang ang Court of Appeals (CA) para ibasura ang double murder case at bawiin ang warrant of arrest na ipinalabas ng Manila Regional Trial Court, Branch 18 laban kay Senador Panfilo Lacson.

Ito ang tiniyak ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Secretary Ricky Carandang kasabay ng pagsasabing hindi kailanman ginamit ng Malakanyang ang impluwensiya para “bulungan” ang hudikaturang sangay ng pamahalaan para paboran si Lacson na kaalyado ni Pangulong Benigno Aquino III.

Nauna nang nagpalabas ng 80-pahinang resolusyon  ang CA 6th Division na pinapaboran ang petition for review ng senador at maibasura ang kasong isinampa laban sa kanya sa mababang hukuman ukol sa kasong pagpatay sa PR man na si Bubby Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.

Sa kabilang dako, naiintindihan naman ng Kalihim ang sentimyento ng pamilya Dacer nang ipahayag na mailap ang katarungan sa kanila.

Ayaw naman husgahan ng Malakanyang ang naging desisyon ng CA sa mga asunto ni Lacson dahil may magkahiwalay na kapangyarihan ang ehekutibo at hudikatura. Kris Jose

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply