Medalya, hindi pera ang pabaon ko sa militar – Cimatu

INAMIN ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) chief Roy Cimatu na tumanggap nga siya ng “send-off gift” sa kanyang pagretiro noon sa military service.

Pero nilinaw ng opisyal na hindi pera ang pabaon kundi ang 40 medalya na kanyang natanggap sa mahigit 37 taong pagserbisyo sa sandatahang lakas ng bansa.

Sa kanyang pagharap sa imbestigasyon ng Senado, halata ang tensyonadong boses ni Cimatu habang binabasa ang kanyang opening statement.

Si Cimatu ay isa sa tatlong dating AFP chief na idinawit ni dating budget officer George Rabusa, na umano’y nakinabang sa multi-million-peso fund anomaly sa AFP.

Una rito, inamin ni B/Gen. Benito De Leon, dating executive assistant ni Cimatu, na tumanggap sila ng P10 million cash kay Rabusa, pero iginiit ni De Leon na hindi nila iyon hiningi.

Si De Leon at Rabusa ay magkaklase sa Philippine Military Academy (PMA).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply