Memorabilia ni Nora Aunor sa Iriga City pinagkakaguluhan

NAG-TEXT sa amin ang isa sa mga tagahanga ni Nora Aunor na si Deo Antazo, isang guro ng Ingles at kultura, at sinabing “sobrang pinagkaguluhan ang mga memorabilia ni Nora Aunor sa Iriga City.”

Naglunsad ng aklatang bayan ng Iriga para isama ang mga memorabilia ni Nora na isa nang dakilang mamamayan ng lugar.

Matagal nang binalak ito at ngayon lang nagkaroon ng katurapan kaya naman laging nag-aabang ang mga Noranians sa pagsasapubliko nito at ngayon ay natupad na.

“Kahit mamasahe kami nang mahal, talagang pumunta kami sa Iriga para lang ma-witness ang exhibit na ito at ikakampanya namin ang initiative na ito ng pamahalaan sa Bicol,” pahayag ni Deo na talagang walang kamatayan ang pagsamba kay Nora na kanyang kauri.

***

Samantala, ayaw nang magbigay ni Lotlot de Leon ng eksaktong petsa ng pagdating ni Guy sa Pilipinas.

May nagsasabi na ngayong Pebrero ang dating ng Superstar pero magtatapos na ang buwan ay hindi pa rin nakikita kahit na ang anino ni La Aunor.

Pero pinaninindigan naman ni Ian de Leon na nagsabi kay Zeny Marcelo-Poe, balo ni Conrad Poe at kapatid sa ama ni Fernando Poe, Jr., na sa Marso ang balik ni Ate Guy sa Pilipinas.

Marami nang nangyayari sa Pilipinas lalo na sa showbiz na kailangang kasama at kalangkap ang isang alamat na tulad ni AunoR

***

Nagbubunyi naman ang mga direktor ng pelikulang Pilipino na sina Gerry Jumawan, Noriel Jarito at Jeffrey Ramos sa pagwawagi ng kanilang pelikulang “Ang Kamot na Nagluwas (The Hand that Saved)” bilang Best Film sa katatapos na 5th Largabista Film Festival na idinaos sa University of the Philippines Visayas College sa Tacloban City kamakailan.

Halos tinuhog nina Gerry, Noriel at Jeffrey ang pagwawagi mula sa pista ng mga pelikulang Filipino sa Davao City sa pagtataguyod ng Film Development Council of the Philippines.

Nakamtan din ng pelikula ang mga parangal na Best Cinematography at Best Storyline.

Si Gerry ang prodyuser ng pelikula sa pamamagitan ng kanyang Bahandi Films pero umarte rin siya rito.

Hindi naman direktor si Noriel sa pagkakataong ito kundi siya ay artista rin na gumaganap sa papel ng isang magsasakang hindi naniniwala sa kapangyarihan ng Infant Jesus.

Si Jeffrey ang direktor mismo ng “Ang Kamot…”

***

Ayaw nang pag-usapan nina Felix Magat, Leo Martinez, direktor Joel Apuyan, line producer Marlon Damaso at ng mga prodyuser ng “Law Law Gang” na sina Aida at Rolly Martinez ang pagkawala ng digital camera sa shooting ng komedya sa Bulacan kamakailan.

Ayon kay Felix, hindi naman nagalit si Leo nang mawala ang kamera at naunawaan siya bilang tagapagbantay nito.

Kaya lang, ani Magat ay parang nawala ang kumpiyansa sa kanya ng mga kasamahan pero pinagdurusahan naman niya ang pagkakamali. Boy Villasanta

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply