Mendoza handang itago ng Obispo

HANDA si Lipa Archbishop Ramon Arguelles, dating military bishop na kanlungin si dating state auditor Heidi Mendoza, na una nang tumestigo laban sa plunder case ni dating military comptroller Carlos Garcia.

Ayon kay Arguelles, kilala niya nang personal si Mendoza at naniniwala siyang pawang totoo ang mga isiniwalat nito laban kina Garcia at dating Armed Forces Chief of Staff Angelo Reyes.

Sinabi ni Arguelles na batid niyang dahil sa mga isiniwalat ni Mendoza ay maaaring malagay sa panganib ang buhay at pamilya nito, kaya’t bukas aniya siya sakaling kakailanganin nito ng mapagkakalungan.

Una nang kinumpirma ni Arguelles ang mga naturang katiwalian sa AFP at isa si Mendoza sa resource person nila.

“Matagal ko nang alam iyang katiwalian sa AFP. Si Heidi yang isa sa mga resource person namin at she’s an honest person. Kaya inalis siya sa COA eh. Will be the one to stand behind her. Tutulungan ko siya. Tama siya, honest ang taong yan. We need people like her,” ani Arguelles, na nagsilbi rin bilang military bishop mula taong 1995 hanggang 2005.

Maging si Caritas Manila Executive Director Rev. Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng church-run Radio Veritas, ay handa rin naman na tulungan at kupkupin ang mga whistle blower na kagaya ni Mendoza.

Ayon kay Pascual, iniingatan ng Simbahan ang mga gaya ni Mendoza dahil ito ang magpapalaya sa bayan mula sa mga tiwaling pinuno ng pamahalaan.

Ang simbahan rin aniya ay maaaring gawing sanktuwaryo ng mga whistleblower sa pamahalaan. Kyle gatus

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply