Mendoza muling haharap sa pagdinig

SA kabila nang pakiusap ni dating state auditor Heidi Mendoza na ayaw na niyang humarap sa mga pagdinig para sa patuloy na imbestigasyon sa katiwalian sa Armed Forces of the Philippines (AFP), nakatakda siyang muling lumutang sa gagawing pagdinig ng House committee on justice sa Martes.

Ito ang inihayag ni committee chairman at Iloilo Rep. Niel Tupas, Jr., matapos umanong tumawag sa kanya kagabi si Mendoza at ipakiusap ang kanyang seguridad.

Ayon sa mambabatas, nagsabi sa kanya si Mendoza kagabi kaugnay sa kanyang natanggap na pagbabanta sa buhay at kung maaari ay siguruhin ang kanyang kaligtasan at kanyang pamilya lalo na at muli siyang haharap sa pagdnig sa Martes.

Nakatakda namang makipagpulong bukas si Tupas kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., para pag-usapan ang maaaring ipatupad para sa proteksyon ng testigo.

Samantala, kinumpirma naman ni Mendoza sa kanyang Facebook account ang nakatakdang pagdalo sa pagdinig ng mababang kapulungan sa isyu pa rin ng katiwalian sa AFP sa Martes.

Maalala na una nang nakiusap si Mendoza sa hiwalay na imbestigasyon ng Senado na huwag na siyang gawing resource person sa susunod na pagdinig ng Blue Ribbon Committee.

Ang pagdinig ay itinakda bukas, at kabilang sa ipinatawag ay ang mga opisyal ng Commission on Audit (COA) na idinawit ni Mendoza sa umano’y malawakang ‘cover up” sa anomalya sa sandatahang lakas ng bansa. Gwenn Salamida

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply