Mendoza, tumanggi nang tumestigo

MADAMDAMING ipinaalam ni dating Commission on Audit (COA) Auditor Heidi Mendoza sa Senate Blue Ribbon Committee na hindi na siya muling tetestigo sa anumang pagdinig hinggil sa pagkakasangkot ng naturang ahensiya sa pabaon system sa Armed Forces of the Philippines. (AFP), Huwebes, Pebrero 3.

Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa pabaon at payola kay dating AFP chief of staff Angelo Reyes, sinabi ni Mendoza na mas makabubuting hindi na siya muling haharap sa Senado dahil “masyado nang maraming nasasaktan at nasisira sa kanyang mga rebelasyon.”

Sinabi ni Mendoza na bagama’t biktima siya at si Reyes ng baluktot na sistema sa militar, nais lamang niyang magkaroon ng pagbabago at reporma sa naturang sistema na dumudurog sa mga institusiyon.

Nakatanggap si Mendoza ng balitang nagkaroon ng press conference ang COA habang dinidinig ng Senado ang plea bargaining agreement na nagsasabing dinudurog at sinisira niya ang ahensiya.

Nilinaw naman ni Mendoza na umayaw siya sa pagtestigo hindi dahil sa natatakot siya sa Armed Forces dahil alam niyang ipinaglalaban niya lamang ang kapakanan ng maliliit na sundalo.

Pumayag naman si Blue Ribbon Chairman Teofisto Guingona III na huwag nang muli pang humarap sa Senado si Mendoza alinsunod sa paglalahad ng pagtutol sa pagtestigo. Ernie Reyes

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply