Menor-de-edad babawalang sumakay sa motorsiklo
BUMUO na ang House Committee on Transportation ng technical working group (TWG) upang mapabilis ang pagpasa sa panukalang pagbabawal sa pag-angkas ng mga bata sa motorsiklo.
Ang panukala ay inakda nina Reps. Mary Mitzi Cajayon, ng 2nd District, Caloocan City, Lani Mercado-Revilla, 2nd District, Cavite at Romeo Acop, 2nd District, Antipolo City.
Sa ginanap na pagdinig ng komite, pinanindigan ng mga mambabatas na may-akda na ang pagsakay ng motorsiklo, tricycle a t iba pang kahalintulad na sasakyan ay maikokonsiderang hindi ligtas sa mga bata.
Nais ng mga kongresista na magkaroon ng age bracket sa mga batang maaaaring sumakay sa motorsiklo.
Nilinaw naman ni Rep. Gabriel Quisumbing, ng 6th District, Cebu na magkakaroon ng exemption sa panukala lalo na sa mga probinsya na karaniwang motorsiklo ang ginagamit sa transportasyon.
Samantala, hiniling naman ni Mercado-Revilla ang mandatoryong na paggamit ng standard helmet sa mga motorcycle drivers. Beth Aragon
You must be logged in to post a comment Login