Menor-de-edad na murderer isinuko ng ina

DALA ng matinding takot, ipinasya ng isang ina na isuko ang kanyang anak   sa awtoridad  matapos makabaril at makapatay noong  Enero 1, 2011 sa Pandacan, Maynila.

Agad namang inutos ni  Manila Social Welfare Development (MSWD) chief Jay dela Fuente ang  pagdadala   kay “Luis”, 17, ng Kahilum  1, Pandacan, Maynila sa Manila Youth Recreation Center makaraang isuko ng ina na si Jesusa kay MPD-Pandacan Station chief, Supt. Remigio Sedanto.

Si “Luis”  ang sinasabing nakapatay kay Smith Dominique Meren, ng 1534 Int. 32 Canonigo st. Pandacan, Maynila  dahil sa away sa basketball.

Ayon kay Jesusa, wala namang grupo o fraternity ang kanyang anak subalit mas nanganganib  siya sa seguridad nito sa posibilidad na resbakan ng grupo ng kanyang napatay.

Aniya, naniniwala siyang mas ligtas ang kanyang anak sa pangangalaga ng MSWD kung kaya hindi na  siya nagdalawang isip na isuko ito sa mga  pulis.

Sinabi naman ni  dela Fuente na nalulungkot siya sa pagdami ng mga kabataang 15-anyos pababa  na nasasangkot sa iba’t ibang krimen. Verlin Ruiz

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply