Mercury Drug kinasuhan sa hindi pagbibigay ng 20% discount sa PWDs

LUMITAW sa  ginanap na pagdinig ng House Committee on  Social  Services  na   may tatlong kaso  ang  isinampa  laban  sa  Mercury Drug  Corporation  dahil sa hindi pagbibigay ng  20 % discount  sa persons with disabilities (PWDs).

Inihayag  ito ni  Nazarita Tacandong, ng  Food and  Drugs  Administration  (FDA)  sa  nasabing  komite sa chairmanship  ni  San Jose  del Monte  Rep. Arturo Robes hinggil sa  pagdinig  sa  House Resolution 221 na isinulong ni  Akbayan Party-list Rep. Walden Bello,  upang  malaman ang  status  ng  implementasyon  ng iba’t ibang  batas   para  sa  PWDs.

Ito ay matapos mapaulat  ang hindi pagbibigay  ng  diskwento   ng nasabing kompanya sa mga PWDs na malinaw na paglabag sa nakasaad sa Republic  Act. no.9442 o mas  kilala bilang   Magna Carta of  Disabled  Persons at  ang  Administrative  Order  no.  2009-0011 na inisyu ng  Department  of  Health  (DOH).

Samantala, inamin ni  Edsel Manuel, kinatawan ng  Mercury Drug  Corporation sa  naturang pagdinig  na   lubhang nakaaapekto sa kanilang  negosyo  ang   20% discount  sa mga binibiling gamot  ng   senior  citizens  dahilan upang   maging  ang benepisyo ng kanilang  empleyado  ay nababawasan  na at  hindi  na  rin sila nakapagdadagdag ng branches.

Sinabi rin ni  Josephine   Inocencio  ng  Drugstores  Association of  the Philippines  (DSAP)  na siyang  kumatawan  sa  small and  independent  community drugstores sa bansa na karamihan sa miyembro  ng kanilang  grupo ay naaapektuhan  din sa   discount privileges   sa PWDs at  senior citizens  dahil  maging ang kanilang  kinita  ay  natatangay na rin.

Inilatag naman  ni  Rep. Bello ang kanyang  hamon  sa  mga malalaking  drug  stores na  buksan  ang  kani-kanilang  libro  ng  accounting  sa  Kongreso  upang  mapatunayan ang kanilang  sinasabing pagkalugi  sa  pagpapatupad ng  20% discount  sa  PWDs at  senior  citizens.

Naging  malaking katanungan din  ng mambabatas  kung   paano  pa nila  nasabing  lugi  sila  kung   nababawi naman nila  ang  discount  dahil entitled  naman  sila  sa tax deductions on goods  at  discounted  rates  na  isinasaad  sa batas. Beth Aragon

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply