Mercury level sa Ilog Cotabato tumataas

NAGBABALA kahapon ang Blacksmith Institute na  tumataas ang antas ng mercury sa Ilog Cotabato dahil sa patuloy na iligal na pagmimina sa paligid ng nasabing anyong tubig.

Sinabi ni Prof. Nelson Pampolina, isa sa mga senior researcher ng Blacksmith Institute, na lumabas sa kani-lang pag-aaral na ang pagbabanlaw ng mga mineral ang siyang pangunahing dahilan upang mapunta sa ilog ang mga mercury na gamit ng mga minahan.

Sa ganitong paraan kasi, ibababad muna sa mercury ang mga deposito upang maihiwalay ang mga ginto at matapos ay padadaanan sa mataas na presyon ng tubig upang tuluyan nang mawala kahit ang maliliit na alikabok na nakakapit sa ginto.

Paglilinaw ni Pampolina, dahil wala namang maayos na drainage system ang maliliit na minahan, didiretso lang ang mga ito sa lupa hanggang tuluyang umagos sa mga pangunahing anyong tubig, tulad ng Pulabato River na isang major tributary ng Ilog Cotabato.

Aniya, ganito rin ang pangyayari sa iba pang lugar na may illegal mining tulad sa Kematu, T’boli. Jayzl Nebre

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply