Metro Manila buses humirit din ng fare increase

MATAPOS maipatupad ang fare increase sa mga pampasaherong jeep, humirit din ng karagdagang singil sa pasahe ang Metro Manila buses, Huwebes, Pebrero 3.

Kinumpirma ito ni  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Atty. Manuel Iway, isa sa mga board member ng ahensiya.

Sa panayam, kanyang sinabi na kasalukuyan silang nagsasagawa ng public consultation dahil sa mataas ang hinihinging fare hike ng MMB operators.

Sa official petition of fare hike na isinampa ng Metro Manila Bus Operators Associations (MMBOA) mula sa P9.00 minimum fare sa ordinary bus, nais nilang gawing P14.00 at iyong kasalukuyang P1.85  kada kilometro  ay  ipinipilit ng grupo na gawin itong P2.55 sa bawat kada kilometro.

Sa air condition bus naman, mula sa P11.00 minimum fare ay nais ng grupo na gawin itong P17.00, habang ang kada kilometro na P1.90 ay balak nilang itaas sa P2.90 kada kilometro.

Sa hiwalay na panayam, binatikos ng grupong Public Commuters and Private Motorists Alliance (PCPMA) ang LTFRB sa pagsasabing isang beses lang silang magsasagawa ng public hearing kaugnay sa fare hike sa bus.

Ayon kay Ysabel Nabong, spokesperson ng PCPMA, hindi makatarungan ang isang beses na public hearing kahit na imbitado pa ang lahat ng sector tulad ng Office of the Solicitor General, bus operators, commuters seniors citizens, students at iba pang grupo na apektado ng fare hike.

Dapat aniya na maging malinaw ang stand dito ng LTFRB kung sino ang papaboran nila, ang publiko ba  o ang negosyanteng bus operators.

Matatandaan na kakaapruba lamang ng LTFRB sa P1.00 fare hike sa jeepny nitong Lunes. Alex Ching

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply