Ampatuans mahaharap sa panibagong kaso

MAHAHARAP na naman sa panibagong kasong kriminal ang maimpluwensyang angkan ng Ampatuan matapos na madiskubre ang dalawang kalansay sa magkakahiwalay na lugar sa Maguindanao.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na sigurado na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga Ampatuan dahil sa bagong nadiskubreng kalansay sa mga lugar ng Sitio Tabadiya, Barangay Timbangan, na umano’y pag-aari ni dating ARMM Gov. Zaldy Ampatuan kung saan nadiskubre din ang isang ID ng babae.

Ang may-ari umano ng ID ay buhay pa at kasalukuyang nasa ibang bansa, ayon kay De Lima.

Samantala, nadiskubre naman ang isa pang kalansay na nakaposas pa sa isang plantasyon sa Barangay Limpogo, Datu Hoffer na pag-aari naman ni dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.

Hinihinalang gumamit ng “chainsaw”  sa pagpatay sa mga kalansay na ito.

Base sa Human Rights Watch, mahigit sa 100 katao ang pinaniniwalaang minasaker ng mga Ampatuan noong 2002 bilang ganti sa pagkamatay ng anak ni Andal Sr.  na si Saudi Ampatuan at 17 iba pa sa pambobomba sa Datu Piang Town.

Lumalabas sa ulat na lahat ng suspek sa pambobomba ay dinukot, pinosasan at dinala sa Sharif Aguak, kung saan sila diumano’y pinatay sa pamamagitan ng chainsaw.

Ayon kay De Lima, ang kaanak ng mga nadiskubreng kalansay ay nagpahayag na ng pagnanais na makipagkita sa kanya subalit hindi sa Sharif Aguak dahil natatakot sila.

Samantala, dadalhin sa General Santos City ang nahukay na mga kalansay para sa DNA testing. Teresa Tavares

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply