Mga batang malnourished at malabo ang mata dumarami

NAKABABAHALA na ang paglobo sa bilang na tatlong milyong bata na iniulat na malnourished o lampayatot habang dalawang milyong bata naman ang malabo ang mga mata.

Lumabas sa resulta ng isinagawang survey ng Food and Nutrition Research Institue na kadalasan sa mga batang anim na buwan hanggang limang taong gulang na hindi pa pumapasok sa eskuwelahan ang mga biktima ng malnourishment.

Natuklasan din na dalawa sa sampung bata ang hindi nabibigyan ng sapat na enerhiya na kailangan ng mga ito para sa araw-araw.

Payo naman ng FNRI, dapat na punuin ng sustansiya at bitamina ang mga bata upang lumakas ang kanilang “immune system” sa pag-iwas sa pagiging lampa at payat.

Kasama sa mga pagkain na dapat isama para sa mga bata ay ang itlog, gatas para sa muscle development, isda, karne, mga prutas at gulay lalo na ang kalabasa na nakapagpapalinaw ng mata. Susan Cambri

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply