Mga bigats dagdag-boltahe sa B-Bolts

BILANG paghahanda ng Meralco Bolts sa nalalapit na pagbubukas ng PBA Commissioners Cup ay humabol sa players trade ang B-Bolts at Alaska Aces.

Nasungkit ng team ni coach Ryan Gregorio ang beteranong si Reynel Hugnatan mula sa koponan ni bench tactician Timothy Cone kapalit nina reserve Paolo Bugia at bagitong si Hans Thiele.

Si Hugnatan na sa isang natural na forward ay may angking liksi at lakas sa ilalim bukod sa maganda niyang depensa.

Makasasama ni Hugnatan sina Marlou Aquino na muling pinapirma ng bagong kontrata at si Asi Taulava. Naunang nakuha ng Meralco franchise sina Solomon Mercado mula sa Rain or Shine at si Renren Ritualo na mula naman sa Powerade.

Masasabak ang mga bagong lipat na manlalaro ng B-Bolts sa paboritong Barangay Ginebra sa isang out-of-town game sa Laoag City bukas.   RT

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply