Mga Cafgu,sundalo ng 9th ID sangkot sa iligal na aktibidad sa Cam Sur- NDF-Bikol

PINABULAANAN ng National Democratic Front-Bikol na sangkot ang Romulo Jallores Command at isang nagngangalang “Ka Mike” sa pangingikil sa mga negosyante, kontraktor, engineer at iba pang institusyon sa Canarines Sur at Naga City.

Ayon kay Greg Banares, tagapagsalita ng NDF-Bikol, malisyosong ginagamit ang pangalan ng komand ng isang grupo ng mga aktibong miyembro ng CAFGU at sundalo ng 9th Infantry Division sa kanilang mga iligal na aktibidad.

“Pinagtatakpan ng 9th Infantry Division ang criminal na mga aktibidad ng isang grupo ng mga aktibong miyembro ng CAFGU at sundalo na nasa likod ng serye ng mga panghoholdap, pagkidnap at iba pang krimen sa ikalawang distrito ng Camarines Sur at Naga City,sabi ni Banares.

Aniya, nagpapanggap ang grupong ito na mga kasapi ng BHB at malisyosong ginagamit ang pangalan ng Romulo Jallores Command at ng isang “Ka Mike” upang mangikil at mangulimbat ng pera sa mga biktimang negosyante, kontraktor, engineer at iba pang institusyon.

Sa pahayag na natanggap ng Remate.Ph. sinabi ni Banares na ang mga miyembro ng Cafgu ay humihingi ng pera sa kanilang mga mabibiktima sa pamamagitan ng sulat. Tinatakot at binabantaan na papatayin o susunugin ang mga kagamitan kung hindi susunod sa kanilang kagustuhan,sabi ni Banares.

Ilan aniya sa mga naging biktima nito ay ang mga negosyante sa Libmanan, Pamplona, Pasacao at San Fernando at ilang kontraktor sa Naga City. Kinidnap ng grupong ito ang isang engineer ng DPWH noong Setyembre 2010 at pinakawalan lamang matapos magbayad ng halagang P 350, 000.

Tinukoy ni Banarez na kabilang sa grupong ito si Reynante L. Lagata alyas “Boris Payat” (taga-Abuyog, Sorsogon City), dating kasapi ng BHB na  bumaliktad at ngayon ay aktibong kasapi ng CAFGU.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply