Mga carnapper na parak hanapin lahat at ikulong

NAKAAALARMA ang mga carnapper.

Lumalabas na marami sa mga ito ang miyembro ng Philippine National Police o Armed Forces of the Philippines.

Kung hindi retirado sa serbisyo, aktibo naman sila.

Kaya naman kung kumana ang mga ito ay ganun na lamang.

Sanay na bumaril at ang lalakas ng loob na pumatay.

Kabilang sa mga huling kaso ang nasa limang pulis-Bulacan na nakilala na ng kanilang mga kasamahan.

May ilan na sa mga ito ang nahuli na ng kanilang mga kasamahan at isa yata ang nakalusot sa bitag.

Yung mga sangkot naman na Dominguez group na pumatay at sumunog sa tatlo katao ay hindi pa nasasakote lahat.

Hindi natin alam kung may warrant of arrest na ang mga ito.

Sa Quezon City, dalawang dating sundalo naman umano ang kasama ng nahuling carnapper.

Hindi pa rin nahuhuli ang mga ito.

Sa Laguna, sinasabing mga pulis din ang kasabwat ng mga carnapper ng mga motorsiklo.

oOo

Kung mangarnap ang mga ito, mga Bro, ay laging nakalulusot sa mga bitag ng mga tauhan ng gobyerno.

Paano mo nga namang itse-checkpoint ang isang naka-uniporme na nakasakay sa isang sasakyan o motorsiklo?

Kung wala naman sila sa serbisyo, mayroon naman silang mga pagkakakilanlan na pruweba na tauhan sila ng pamahalaan.

At ang matindi, dahil sa sanay humawak ng baril ang mga ito at may authority pa sa kaso ng mga nasa active service, kung patayin ka ay ganun na lamang.

Mababaligtad pa ang kaso mo kung minamalas ka. Sa halip na ikaw ang biktima, baka ikaw pa ang pagbintangang carnapper.

Anak ng tokwa, ano-ano ngayon ang gagawin ng isang ordinaryong mama-mayan kung mismong ang mga pulis ang carnapper?

Ipagpalagay nating may lakas ng loob na magdemanda ang isang biktima, nakatitiyak ba ang biktima ng kanyang seguridad?

Sapagkat lahat ng oras ay pupuwedeng bumiyahe nang may hawak na baril ang mga carnapper at pupuwede ka nilang pinsalain sa anomang oras.

PNooooy!!! Saklolooo!!!

oOo

Anomang reaksyon o reklamo ay maaaring i-text o itawag sa 09214303333.  Maaari n’yo rin pong mabasa ang ULTIMATUM sa www.remate.ph
Benny Antiporda

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply