Mga dating opisyal ng AFP, kakasuhan ng DOJ

MAY 20 dating opisyal, kabilang ang dalawang dating hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at dalawang military comptroller, ang nakatakdang kasuhan ng plunder sa Department of Justice (DOJ) ni dating military budget officer Lt. Col. George Rabusa, kaugnay pa rin ng ibinunyag nitong anomalya sa militar.

Ayon kay Rabusa, nakahanda na ang kanyang complaint affidavit at sa darating na Miyerkules ay ihahain niya ito sa DOJ na siyang pagbabasehan naman ng ahensya para sa pagsasagawa ng preliminary investigation sa nabunyag na talamak na kurapsyon sa AFP na mismong mga hepe nito ang sangkot.

Tinukoy ni Rabusa na kakasuhan nito ng plunder sina dating AFP Chief of Staff Diomedio Villanueva at Roy Cimatu; dating AFP comptrollers Jacinto Ligot at Carlos Garcia; mga executive assistants ng nasabing mga opisyal na hindi pa nito pinangalanan; dating AFP Intelligence Service Officer Divina Cabrera at ilang auditor ng Commission on Appointment (CA) na nakatalaga sa AFP at iba pa na tinanggi nitong tukuyin.

Inamin ng AFP whistleblower na isa sana si dating Defense Secretary Angelo Reyes sa kakasuhan niya subalit dahil kinitil na nito ang sariling buhay ay wala nang dahilan para isama ito.

Ipinaliwanag ni Rabusa na bagamat may kaso ng plunder sa Sandiganbayan si Garcia ay hindi naman ito parehas na kaso bagkus magkaiba batay na rin sa bagong ebidensya at testimonya.

Kahapon ay dumalo si Rabusa sa paglulunsad ng bagong anti-corruption advocates na “Mabuting Pilipino”, isang samahan na nagsusulong ng good governance at responsible citizenship sa bansa na pinangungunahan nina dating Akbayan Rep. Risa Hontiveros Baraquel at Army Brig. Gen. Danilo Lim.

Kasama bilang miyembro ng grupo ang ilang civil society groups, reform-oriented organizations kabilang ang Incite Gov. Ateneo School of Government, University of the Philippines CSSP Student Council, Transparency and Accountability Network (TAN), Active Citizenship Foundation, People Power Volunteers for Reform (PPVR), Young Public Servants (YPS), LWUA Employees Association for Progress (LEAP) Yellow Army in Action, Para sa Bansa, Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa (RAM) Akbayan Youth at Student Council Alliance of the Philippines (SCAP). Teresa Tavares

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply