Mga Filipino seafarer pinaghahanda sa hijack

HINIKAYAT ng Associated Marine Officers and Seamen’s Union of the Philippines (Amosup) ang mga tripulanteng Filipino na tiyaking makalalahok sila sa anti-piracy training program ng Department of Labor and Employment (DOLE), Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Maritime Training Council upang maging handa sa hijack situations.

Matatandaang isang Pinoy seafarer na nagngangalang Farolito Vallega, miyembro ng crew ng barkong MV Beluga na na-hijack ng mga Somali pirates noong nakaraang Enero 22, ang napatay nang tangkain ng naval patrol na i-rescue ang mga hostage.

Gayundin ay kinondena ng Amosup ang patuloy na pamimirata ng mga cargo vessel na pawang mga ordinaryong manggagawang overseas Filipino workers (OFWs) ang nabibiktima.  Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply