Mga hayop sa zoo sa Mexico namamatay dahil sa matinding lamig

DAHIL sa matinding lamig na umabot na sa -13 degree Celsius namamatay ang mga hayop sa Serengeti zoo sa Chihuahua, Mexico.

Ayon sa Bombo Radyo Umabot na sa 35 hayop ang naitalang namatay dulot matinding lamig sa nasabing bansa.

Ito na ang pinakamalamig panahon na naranasan ng bansa sa loob ng anim na dekada.

Ayon sa may-ari ng nasabing zoo na si Alberto Hernandez kabilang sa mga hayop na namatay ay 14 na parrots, 13 serpents, limang iguanas, dalawang buwaya at isang capuchin monkey.

Dulot ng sobrang lamig na temperatura ay nagkaroon ng power blackout kaya ayaw nang gumana ng mga heating equipment sa zoo isang dahilan para malamigan ng todo ang mga hayop dito.

Samantala, nagsara naman ang mga factory at negosyo dahil na rin sa power blackout sa northern Mexico. Bineza Zapanta

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply