Mga nagbayo,nagsaing at kumain sa EDSA1

MARAMI tayong alaala ukol sa EDSA 1 na ating ipinagdiriwang sa kung ilang araw ngayon.

Para sa iilan at hindi sa marami, nagsimula ang laban para sa pag-aalsang EDSA nang pinusil si bayaning Sen. Ninoy Aquino noong Agosto 21, 1983 habang bumababa siya sa hagdan ng eroplano sa noo’y Manila International airport at ngayo’y Ninoy Aquino International Airport.

Yung Plaza Miranda bombing na naging madugo at muntik nang ikamatay ng mga bata ni Ninoy ay sinasabing bahagi lang ng madugong pulitika noon at hindi pa palatandaan ng EDSA 1.

Bagama’t madugo ang pambobomba sa Plaza Miranda sa harapan ng Quiapo Church noong Agosto 21, 1971, giyera patani lamang ng mga pulitiko iyon, sabi.

Pero ang pagpatay kay Ninoy sa NAIA ay nataon sa napakahinog nang kagustuhan ng bayan para sa radikal na pagbabago mula sa diktadurya.

oOo

Ang talagang lumaban kay Manong Ferdie laban sa diktadurya ay ang milyones na kinabibilangan ng 10,000 sinasabing biktima ng martial law.

Hindi yung mga pulitiko na nakisayaw o bumalimbing sa mga halalan na idinaos nina Manong Ferdie para lang masabi na may demokrasya noon. Yung hindi nakatiis ay nagsilayasan at pinanood lang ang dramang halalan para sa pekeng demokrasya.

Yung mga lumaban na nagtaya ng buhay, nabaldang katawan at nadurugan ng dangal ang talagang nagbayo nang nagbayo at nagsaing nang nagsaing kumbaga sa pagkain.

Pero nang dumating ang EDSA 1, tumindig ang balahibo ng mga ito dahil nagsidatingan ang iba para kumain na lamang.

Hanggang ngayon wala pa rin silang puwang sa ekonomiya at pulitika. Kaya naman sila nag-OFW dahil sa pananatili ng kahirapan at pagiging botante lamang sa halalan.-Rey Briones

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply