Mga pulis-Marikina naiipit sa palpak na drug operation

PINAIIMBESTIGAHAN ng konseho ng Lungsod Marikina kay Director General Raul Bacalzo, hepe ng Philippine National Police (PNP), ang mga pulis-Marikina na sangkot sa isang operasyon kung saan nasabat ng mga ito ang dalawang kilo ng shabu noong Disyembre 16, 2010.

Ito ay matapos mapatunayang hindi naman pala iligal na droga ang kanilang nakumpiska, ayon sa PNP Crime Laboratory.

Sa pamumuno ni Konsehal Frankie C. Ayuson, chairman ng committee on illegal drugs and peace and order, ipinasa ng konseho ng siyudad ang Resolution No.022, Series of 2011, na humihiling ng agarang pagsisiyasat kina Chief Insp. Ganaban Ali, Chief Insp. Teodolo Armada at iba pang kasapi ng kapulisan ng lungsod.

Kasama rin sa pinaiimbestigahan si Senior Supt. Romeo Magsalos, hepe ng kapulisan ng Marikina City.

Nagbigay din ng kopya ng resolusyon sa tanggapan ni Interior Secretary Jesse Robredo.

Inaprubahan ng Sangguniang Panglungsod ng Marikina ang resolusyon noong nakaraang Pebrero 2.

Partikular na tinukoy ng resolusyon ang pagkakatago sa publiko ng resulta ng eksaminasyon ng PNP Crime laboratory sa umano’y iligal na droga na nakumpiska sa nasabing drug operation. Jun Ferrer

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply