Mga siyudad ng Maynila, Pasay mawawalan ng tubig

NANAWAGAN ang pamunuan ng Maynilad, isa sa dalawang pribadong kumpanyang nagsusuplay ng tubig sa Kalakhang Maynila, sa publiko na pansamantalang mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa mga lungsod ng Maynila at Pasay ngayon, Miyerkules, Pebrero 23.

Ayon sa pamunuan ng Maynilad, bahagi ito ng kanilang “repair works” para mapabuti at mapaunlad ang kanilang serbisyo sa West Zone.

Ito ay para maiayos na rin ang nasirang water pipeline sa Philippine National Railways (PNR) track sa Pasig River Bank sa Sta. Mesa, Maynila.

Tatagal ang service interruption mula ika-9 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi. Johnny F. Arasga/Amor Virata

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply