Mga sundalo sa Sulu dadalawin ni Noynoy

DADALAWIN at makikipagpulong si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa matataas na opisyal ng militar sa Western Mindanao, partikular na sa lalawigan ng Sulu na sinalanta ng flashfloods kamakailan.

Pangungunahan ni Aquino ang  gagawin nilang pamamahagi ng relief goods sa mga biktima ng pagbaha at pakikipagpulong sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Sulu.

Sa pakikipag-ugnayan  kay Sulu Island Command Commander Gen. Romeo Tanalgo, sinabi nitong bibigyan ng military briefing ang Pangulo bunsod sa ginawa nitong rescue and relief operation sa pagbaha sa probinsya kung saan mahigit 4,000 katao ang naapektuhan.

Samantala, tiniyak ni Tanalgo na patuloy pa rin ang pagmo-monitor ng galaw ng mga terorista sa lugar, partikular ang mga miyembro ng Jemaah Islamiyah.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply