Mga suspek sa Ortega killing kinasuhan na sa DOJ

IPINAGHARAP na ng reklamo sa Department of Justice  ang ilang dating matataas na opisyal sa lalawigan ng Palawan kasunod ng pagpaslang sa mamamahayag na si Doc Gerry Ortega.

Sa 5 pahinang supplemental complaint affidavit na inihain ni Dr. Patria Ortega, asawa ng napaslang na broadcaster, kasama sa mga pinakakasuhan nito sina dating Palawan Governor  Joel Reyes, dating Marinduque Gov. Jose Carreon, dating Provincial Administrator of Palawan Atty. Romeo Seratubias, Coron, Palawan Mayor Mario T. Reyes, Jr, Marlon Ricamata, Dennis Aranas, Valentin Lesias, Arturo Regalado, Armando Noel, Rodolfo Edrad, at iba pang john at jane does.

Ginamit na batayan sa reklamo ang pahayag ng mga suspect turned witness na sina Regalado, Edrad at Noel kung saan inihayag ng mga ito na ang baril na ginamit ay pag-aari ni Seratubias, habang si Edrad naman na dating closed in security ni reyes ay sinabi na ang dating Palawan governor ang nag-utos para patayin si Ortega kung saan ang anak pa umano nito na si Mayor reyes ang nagbigay ng perang pambayad sa kanya.

Naniniwala si Ortega na sapat na ang magkaka-ugnay na pahayag ng mga testigo upang mapatunayan na ang mga nabanggit ang sangkot sa krimen.-Teresa Tavares

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply