Mga vendor sa Brgy. U.P. pinag-iinitan ng mga pulis

NAPAKALUPIT naman itong mga pulis ng PS9-QCPD, hindi na naawa ang mga ito sa mga vendor sa kahabaan ng Katipunan Ave., Brgy. UP, Quezon City.

Wala na raw ginawa ang mga pulis kundi pag-initan ang mga pumaparehas na  mga vendor.

May barangay permit naman at hindi rin naman nakaaabala sa pedestrian  dahil nakatabi nang maayos ang kanilang mga paninda. Bakit kailangan pang pag-initan ng mga pulis ng PS9 ang mga vendor doon?

Baka gusto naman ng mga malulupit na pulis ng PS9 na maglagay sa kanila ang mga nasabing vendor.

Ano ba yan, PS9 COP Supt. Fabian? Ito ba yung ipi-nagmamalaki ni PNOY na tuwid na landas? Basahin ninyo, Supt. Fabian, ang reklamo ng mga vendor sa inyong mga pulis.

Gud pm, Sir Johnny. Ako ay isa sa vendors dito sa Katipunan Ave., Brgy. UPQC na sakop ng QCPD-PS9 at pinag-iinitan ng mga pulis ni Station Com Supt. Fabian. Pinaaalis kami sa aming puwesto kahit may barangay permit kami at di rin kami nakaaabala sa pedestrian. Nakatabi kami ng maayos. Ito lang pagtitinda ang tanging ikinabubuhay namin at para sa pagpapaaral ng aming mga anak. Naghahanapbuhay kami nang maayos.Bakit kami ginaganito? Dapat  sabihin na lang nila kung kailangan naming maglagay  para di na nila kami perwisyuhin. Pikit-mata na lang naming susundin. Libre kain at pabalot na nga sila pag dumadaan sila sa puwesto namin. Tulungan ninyo kami, Sir Johnny, please.

Bookies ng STL protektado nila

Sige pa rin ang operation ng bookies ng STL nina Vic Siman at Dante Alva-rez sa buong Laguna.

Walang ipinagmamalaki ang dalawa kundi malakas sila sa gobernor at provincial director ng Laguna.

Anong say ninyo, Gov. E.R. Estregan at PD Supt. Gilbert Cruz…

Totoo ba ito? –Johnny Magalona

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply