MILF commander dedbol sa away sa lupa

PATAY si Ustadz Aliman Ungkia, alyas Kumander Aliman, ng 108th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) dahil sa away sa lupa sa Sultan Sabarongis, Maguindanao,

Sinasabing grupo ng isang Suren Kanakan, pinuno ng armadong Civilian Volunteer Organization (CVO) ang nasa likod ng pagpaslang kay Ungkia na nangyari sa Brgy. Langgapanan, Sultan Sabarongis, Martes ng 6 ng  gabi dahil lamang sa awayan sa lupang sinasaka.

Ayon kay 6th Infantry Division public affairs office chief Col. Prudencio, agad gumanti ang mga tauhan ni Kumander Aliman na nagresulta sa kalat-kalat na sagupaan ngayon sa naturang bayan.

Sinasabing maraming mga sibilyan na ang nagsilikas dahil sa takot na maipit sa kaguluhan. Gwenn Salamida

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply