MILF commander itinumba ng CVO

BINISTAY ng bala at napaslang ng bumuweltang grupo ng Civilian Volunteers Organization (CVO) ang isang Commander ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF ) sa isang coconut plantation sa liblib  na lugar sa bayan ng Sultan sa Barongis, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Army’s 6th Infantry Division (ID) Spokesman Lt. Col. Prudencio Asto ang biktima na si Ustadz Aliman Ungkia, 46 anyos, Field Commander ng 108 Bangsa  Islamic Armed Forces (BIAF) ng MILF.

Tinukoy naman ni Asto ang grupong responsable sa pagpatay kay Ungkia na sina Suren Kanakan at 8 pa nitong mga kasamahan; pawang mga CVO’s sa nasabing bayan.

Sinabi ni Asto na  naganap ang pamamaslang kay Ungkia sa taniman ng niyog sa Brgy. Langgapanan, Sultan sa Barongis, Maguindanao bandang alas- 6 ng gabi.

Bago ang insidente ay itinaboy  ng grupo ni Ungkia sina Kanakan sa pinag-aagawan ng mga itong lupain sa pagsasabing ang grupo ng MILF ang maga-ani ng bunga ng niyog para makopra.

Galit na lumisan naman sina Kanakan pero bumalik ang mga ito bitbit ang kanilang mga armas at ng matiyempuhan si Ungkia na nag-iisa ay niratrat ito na siya nitong ikinasawi
.
Ang insidente ay nagresulta sa 1 oras na sagupaan sa pagitan nina Kanakan at ng rumespondeng grupo ni Ungkia hanggang magsitakas ang grupo ng CVO bago pa man dumating ang reinforcement mula sa grupo nina Tuhamy Salamat , Field Commander ng 108th BIAF ng MILF at lider ng kidnap for ransom group.

Nagsilikas naman ang mga sibilyan sa lugar sa takot na maipit sa sagupaan ng dalawang grupo.- Verlin Ruiz

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply