Miriam ‘kinilig’ kay Trillanes

Mistulang  ‘kinilig’ si Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kakisigan ni Sen. Antonio Trillanes IV matapos ang kauna-unahang privilege speech nito sa Senado Miyerkules, Pebrero 2, hinggil sa pagpapalakas ng career service system sa burukrasya.

Tumayo si Santiago matapos ang privilege speech ni Trillanes hindi para mag-interpolate o magtanong sa panukalang batas ng dating sundalo kundi para purihin ang kaguwapuhan ng senador na may suot na puting barong-tagalog.

“I noticed that Sen.Trillanes is the youngest and the most handsome senator,” sabi ni Santiago sa 39-anyos na senador.

Ayon pa kay Santiago, nais lamang niyang ipanukala kay Trillanes na ngumiti ito paminsan-minsan upang mas maging maayos ang kaniyang hitsura.

“I want to propose that he would look even better if he’ll smile once in a while,” sabi ni Santiago.

Masyado umanong “apprehensive” ang hitsura ni Trillanes at mukhang palagi itong nakahandang magmartsa sa harap ng Senado.

Nilinaw din ng senadora na nais lamang niyang magkaroon ng isang minutong suspensiyon sa sesyon upang pormal na mabati si Trillanes sa kaniyang kauna-unahang privilege speech.

“What I really want to say is, this is the maiden speech of our newest colleague. I therefore move for a one minute suspension to congratulate him and welcome him formally to our ranks,” nakangiting sabi ni Santiago.

Sa privilege speech ni Trillanes, ipinaliwanag nito ang Senate bill No. 2671 or Act Strengthening the Career Executive System na makakatulong umano sa pagpili at pagsasaayos ng orientasyon ng tungkulin ng nanunungkulan para sa pangangailangan ng mga mamamayan.

“Through this measure, it is expected that the principles of merit and fitness will be the prevailing norm among our civil servants. It is hoped that the improved career executive system, will provide checks and balances and insulate the Career Executive System and the Career Executive System Board from political interference and encourage the professionalization of our government managers and executives,” diin ni Trillanes.

Hindi naman nagpahuli si Sen. Pia Cayetano. Matapos ang papuri ni Santiago, agad pinaulanan nito ng katanungan si Trillanes tungkol sa kanyang panukala. Nasagot naman ito ng maayos ng bagitong senador.

“Thank you for your patience and understanding,” pahayag ni Pia. Ernie Reyes/Vicky Cervales

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply