Misis basag ang bungo sa pamangkin

BASAG ang bungo ng isang ginang nang hatawin ng tubo sa ulo ng kanyang pamangkin matapos magtalo sa Caloocan City, Lunes ng hapon.

Dead on arrival sa Jose Rodriguez Memorial hospital si Yolanda Cabubas, 57, ng Phase 5-A, Bagong Silang, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Noli Romero, 23, ng nasabing lugar.

Sa ulat, dakong 1:30 ng hapon, narinig ng mga kapitbahay na nagtatalo ang magtiya sa loob ng kanilang bahay.

Makalipas ang ilang sandali ay nakita ang suspek na nagmamadaling lumabas ng bahay hanggang sa marinig sa loob ang malakas na sigaw ng anak ng biktima na si Jaypee.

Nang magpasukan ang mga kapitbahay ay nakita nila ang biktima na duguan ang ulo at nakahandusay dahilan upang dalhin sa nabanggit na ospital.

Nakuha sa pinangyarihan ng insidente ang isang tubo na hinihinalang ginamit ng suspek sa pagpatay sa kanyang tiyahin. Rene Manahan

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply