Misis, mistress ng mga heneral tatalupan sa Kamara

NAIS gisahin sa Kamara ang mga asawa ng mga heneral kabilang na ang mga mistress nito na diumano’y nagkamal din ng pondo na dapat sana ay sa mga sundalo sa House justice committee.

Ayon kay Iloilo Rep. Niel Tupas Jr., pinuno ng House Committee on Justice, kabilang sa nais niyang magisa sa hearing ang mga asawa ng mga heneral, bukod pa sa mga mistress ng ilan sa mga ito na nagkamal din ng husto mula ng pondo na ukol sana sa mga sundalo.

Samantala, nakatakdang ipatawag sa Kongreso sina dating CoA chair Guillermo Carage, mga retiradong AFP chiefs of staff na hindi nakadalo noong nakalipas na pagdinig, mga opisyal ng UCPB at Land Bank of the Philippines, at ipinadadalo rin si dating Surigao solon na si Prospero “Butch” Pichay.

Kaugnay nito, ipinagtanggol naman si Pichay ng kaniyang kapatid sa Kamara na si Surigao del Sur Rep. Philip Pichay sa pagsasabing hindi kailangan ng kaniyang kapatid ang pera mula sa AFP dahil may sarili naman itong kabuhayan. Marjorie Dacoro

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply