‘Missing link’ sa AFP anomaly inquiry

DAPAT laliman ng mga senador at kongresista ang imbestigasyon sa Armed Forces of the Philippines anomaly.

Pagkatapos kasi ng pagpapakamatay ni dating Sec. Angelo Reyes, lumabas ang ulat tungkol sa involvement ng isang malaking tao.

Ang nilalang na ito ang sinasabing ‘missing link’ para mapagtagpi-tagpi ang lahat ng impormasyon tungo sa ikareresolba nito.

Lumalabas sa mga ulat na alam ni Sen. Antonio Trillanes 1V at ret. Commodore Rex Robles kung sino ang maimpluwensyang taong ito.

Dahil sa mga interview sa kanila, makapangyarihan ang taong ito noong kapanahuhan niya pero ayaw pangalanan.

Ayon pa sa ulat, hindi si Sec. Reyes, kundi ang taong ito ang nasa likod ni dating Gen. Carlos Garcia kaya ‘di ito naparurusahan.

Ang balita na iyan ay lumabas na at usap-usapan sa mga coffee at barber shop. Kailangan lang ng malalim na pagbusisi.

Ang ulat na yan ay unang nalaman kina Trillanes at Robles sa interview sa kanila at nararapat sigurong magsama na sila sa pagsisiyasat.

Sina Trillanes at Robles ay nagkaroon ng ‘friction’ matapos sisihin ni Robles ang senador na dahilan umano ng pagpapakamatay ng kalihim.

Ang pambabastos umano ni Trillanes kay Sec. Reyes sa Senate inquiry ay labis na dinamdam ng huli kaya nagpakamatay.

Parehong intelihente  ang dalawa at marahil batid nila na kahit wala na si Sec. Reyes, nakamasid ito sa nangyayaring pagsisiyasat.

Ang patuloy nilang pag-iisnaban ay ‘di ikinatutuwa ni Sec. Reyes, bagkus magi-      ging masaya ito kung sila’y muling magkasundo.

Para magsama sa kanilang nalalaman upang matukoy ang taong sinasabing siyang ‘missing link’ sa Senate probe sa AFP anomaly.

o0o

Oks din si Col Supapa

Matapos ang pagbubulgar natin sa operasyon ng bookies sa San Jose, Batangas, kaagad itong pinahuli ni PPO S/Supt. Alberto Supapo.

Ganon naman pala eh. Kung gustong magtrabaho ay okey naman pala si Col. Supapo. Ngayon, ito pa ang reklamo sa Chokepoint.

Ang operasyon ng EC2 ni Konsehala Desiree, loteng nina Ikyo at Dayap Orbos sa Maugat, Bong Salas, Junjun Lagus at Willy sa Poblacion.

Patuloy rin ang operasyon ng vk sa bayan ni Nasugbu Police chief Supt. Antonio Malabanan.

Hamon natin  kay Col. Supapo, pahuli niya ang mga ito, Abangan.- Bong Padua

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply